
Enero 4, 2021 Nagsagawa ng pagpupulong ang Samahan ng Mangingisda ng Brgy. Malapad, Lubayat at Pandan
Nagsagawa ng pagpupulong ang Samahan ng Mangingisda ng Brgy. Malapad, Lubayat at Pandan o SAMAMALUPA na ginanap sa Lubayat National High School Covered Court. Lubos ang kanilang pasasalamat sa ating butihing Punong Bayan Mayor Bing Diestro-Aquino at Halig Punong Bayan Joel Amando Diestro, miyembro ng Sangguniang Bayan at Pambayang Tanggapan ng Agrikultor sa pangunguna ni Tita Vangie Figuerres Paril sa patuloy na pagsuporta sa proyektong pinondohan ng PRDP at Lokal na pamahalaan upang makapaghanap buhay ang ating mga mangingisda sa Brgy. Lubayat. Pinangunahan ng Pangulo ang pagpupulong upang talakayin ang mga programa at proyekto ng Samahan. Minabuti nilang mag-imbita ng mga tagapagsalita patungkol sa proyektong FISH CATCHING, MARKETING AND TINAPA PROCESSING sa tulong ni Tita Mina R. Azogue (Senior agriculturist). Dahil ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng lampas sa kalahati ng bilang ng mga miyembro (Kurom) nagsagawa din ng eleksiyon dahilan upang mahalal ang mga bagong opisyal ng samahan. Upang masigurado ang pagsunod sa health and safety protocols ang mga dumalo ay nakasuot ng Facemask at may tamang agwat para sa social distancing.
First SAMAMALUPA Meeting and Election of Officers (2021)