EXECUTIVE – LEGISTATIVE AGENDA

Ginanap noong Agosto 9-12, 2022 ang Executive-Legislative Agenda sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at nakasama bilang mga resource persons sina Cluster Head/Engr. Vilma B. De Torres-LGOO VII at Cluster Head Gerardo C. Gabin -LGOO VII/Cluster 2 ng Department of the Interior and Local Government. Sila ang mga masusing gumabay sa pagbuo ng ELA at pagbabalangkas ng mga plano at programa para sa Lokal na Pamahalaan ng Real para sa susunod na tatlong taon katuwang si MLGOO Ann Maureen D. Gumboc.
Ang tatlong araw na workshop ay pinangunahan nina Mayor Bing Diestro-Aquino, sa bahagi ng ehekutibo, at Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro, sa bahagi ng lehislatibo, kaisa ang mga department heads, Sangguniang Bayan Members, DepEd, PCG, BFP, PNP, CSOs, at ilang kawani ng pamahalaang bayan.
Hinati sa limang grupo ang mga participants para sa pagtalakay ng mga usaping institutional, social, environment, economic, at infrastructure. Isa sa kanilang nabuo at ang ELA Vision, batay na rin sa adhikain ng ating Punong Bayan na sinusuportahan ng Sangguniang Bayan – “Real, Quezon 2025 – the Pacific Gateway of CALABARZON and a Rising Renewable Energy Hub of the Country, with a progressive economy, strengthened by balanced ecology, sustainable tourism and agriculture, inhabited by healthy, gender-responsive, safe, and disaster–resilient communities, governed by proactive and service-oriented leaders.”
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 6 7 7 9
Users Today : 78
Users Yesterday : 37
Users This Month : 172
Users This Year : 16778
Total Users : 16779
Views Today : 125
Views Yesterday : 54

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: