Skip to main content

FEBRUARY IS NATIONAL ARTS MONTH!

Ipinahayag ng dating Pangulong Corazon Aquino noong 1991, ang Presidential Proclamation No. 683, na dito ay idineklara ang Pebrero ng bawat taon bilang Pambansang Sining upang ipagdiwang ang kahusayan sa sining at bigyang pugay ang katangi-tanging pamana at kulturang Pilipino.
Alinsunod dito, ang Lokal na Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng Tourism Section ay magsasagawa ng iba’t-ibang gawain kagaya na lamang ng On the Spot Painting, Declamation Contest at Oration Contest na gaganapin ngayong Pebrero 19, 2024 at susundan ito ng Tagayan Training Workshop kinabukasan, Pebrero 20,2024 na gaganapin sa 4th floor,Joel Amando A. Diestro Building, Municipal Government Center, Poblacion 1 Real, Quezon.
Para sa mechanics at guidelines, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa inyong mga screen.
ATING PAIGTINGIN ANG PAGSUSULONG NG NATATANGING SINING NG MANLILIKHA AT KULTURANG REALEÑO.
#DiscoverReal
#TaraNaSaQuezon
#LoveThePhilippines
#LoveCALABARZON

Official Website of Municipality of Real
error: