
FLAG RAISING CEREMONY
Pinangunahan ng Municipal Trial Court ang tradisyunal na pagtataas ng bandila para sa pagsisimula ng isang linggong paggaawa ng Lokal na Pamahalaan.
Dito ay ipinakilala ni Pastor Park ang Christian Worship Group, kasama ang Korean Performing Arts mula Zharang at Handong Korea na nagpakita ng kanilang angking galing at talent sa harap ng mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ni Pastor Arman Gilos.
Ipinakilala naman ni FO3 Erwin L Sollestre ang bagong itinalaga sa tanggapan ng Bureau fo Fire Protection ang mga On the Job Trainees mula sa kanilang Regional Head Quarter na sina FO1 Alec Benjur M Gonzales at FO1 Penny V Huerto.
Nanawagan si Project Development Officer I Aiviem A. Miras na makiisa sa at makilahok sa isasagawang CBMS simula ngayong Agosto 2022. Ipinakilala din niya ang mga miyembro ng CBMS rollout.
Nagpasalamat at nag-anunsyo si Municipal Administrator Filomena M. Portales na ang Gender Sensitivity Training para sa mga mag-aaral ng Ungos Integrated National High School ay natapos na gayundin ang mga benepisyaryo ng IskoleaRealeño at SPES. Nagpaabot siya ng pasasalamat kay Mayor Bing Diestro-Aquino, Vice Mayor Doyle Joel Diestro at sa lahat ng bumubuo ng 19th Council.
Nagpasalamat din si Konsehal Aileen R. Buan sa unang Buwan ng pagkakaupo nila bilang miyembro ng 19th council, nabanggit din niya na isa siya sa naging bahagi sa pagpapatayo ng munisipyo na isa sa pinakamaganda sa buong Lalawigan ng Quezon, at isa siya sa mga pinagkatiwalaan ng dating Punong Bayan Joael Amando A. Diestro.
Nag-ulat din ang ating Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro, at hunimingi ng ilang minuto para sa pagbibigay ng pagdadalamhati sa pagpanaw na kasamahan sa Lokal Na Pamahalaan na si Michelle Villamanto. Binanggit niya ang mga nagawa nitong nakalipas na linggo tulad ng pag-aapruba ng ilang resolusyon, at ang pakikbahagi ng ilang miyembro ng 19th Council sa Philippine Councilors League.
Sa mensahe ni Mayor Bing Diestro-Aquino ay nagpasalamat siya sa patuloy na pagbibigay ng Christian Worship Mission kina Pastor Jeuong Park kasama ang Zharang International at Handong University sa ating bayan. Inulat niya ang mga nagawa nitong nakalipas na linggo, tulad ng pagtanggap ng CNA mula sa Civil Service Commision sa pamamagitan ni Director Mateo, ang 25th Founding Anniversary ng Real Coast Guard, ang pagbisita sa Philippine Charity Sweeptakes Office at sinabi ang magandang balita na magkakaroon ng isang patient transfer vehicle, isa sa labing-isang mabibigyan sa buong Pilipinas. Binanggit din niyang tuluy-tuloy din ang accreditation ng CSOs, ang pakikipagpulong sa bagong District Supervisor ng DepEd na si Ma’am Ireen Aveno. Nagkaroon din ng Buntis Congress na hinati sa 4 na cluster upang mailapit sa mamamayan, at namigay ng toilet bowls, mga isinagawang GST at binati si MPDC Rommel A. Poblete at kaniyang mga staff sa matagumpay na launching ng CBMS dito sa Real, at marami pang ibang nabanggit na nagawa at mga gagawin sa linggong ito.
Sa ngalan ng pamahalaang bayan ay nagpasalamat si Mayor Bing kay Michelle P. Villamanto sa ilang taong pagsiserbisyo niya bilang Job Order sa MEEPUO, hanggang sa ma-appoint siyang permanenteng empleyado sa Municipal Treasury Office. Hiniling din niya ang patuloy na panalangin para sa mga naulila nito.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso