Skip to main content

Flag Raising Ceremony

Sa pangunguna ng Philippine National Police-Real Municipal Police Station ay isinagawa ang tradisyunal na pagtataas ng bandila sa Lokal na Pamahalaan. Dito ay nagbahagi ng Mabuting Balita ng Diyos si Pastora Reggie Ortillano.
Nagbigay ng ulat si MCR Johnmark A. De Leon patungkol sa National ID ng ating kababayan. Ibinahagi niya na magkakaroon ulit ng registration ng National ID sa mga hindi pa nakapagparehistro noon. Sa huli, n ay ipinakilala niya ang mga empleyado mula sa PSA na makakatuwang niya sa nasabing proyekto.
Iniulat naman ni GAD Consultant Filomena M. Portales ang ginawang culminating activity tungkol sa VAWC na ginanap sa Lucena City. Ibinahagi rin niya ang pagkakaroon ng orientation ukol sa VAWC 9262 at Family Planning. Dagdag pa niya, ang panunumpa ni PB Edgardo Q. Azcarraga na itinalagang Vice President sa 1st District representative ng Men Opposed to VAW Everywhere (MOVE).
Nagbigay naman ng magandang balita si MENRO Bryan E. Potestades dahil ang ating Bayan ay isang awardee ng Manila Bay Rehabilitation Program. Lubos ang galak at pasasalamat niya sa Lokal na Pamahalaan at sa lahat tumulong para sa programang ito.
Lubos ring pasasalamat ang ipinaabot ni MLGOO Raya T. Rublico sa pagdalo niya sa Peace and Order Council (POC), Anti-Drug Abuse Council (ADAC) at Retooled Community Support Program (RCSP) Regional Awarding. Ibinahagi niya rin ang iba’t ibang awards ng ating Bayan at ang resolusyon ng Regional Office sa nagdaang Serbisyo Caravan 2022 sa kadahilanang ang Bayan ng Real lamang ang nagkaroon ng ganitong programa.
Sa ulat ni Real-MPS-NUP Jomar B. Sarabosquez ay buong puso niyang pinasalamatan ang lahat ng naging bahagi sa kanilang pagtatanghal sa Christmas Chorale Contest na ginanap sa Lucena City.
Sa ulat ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro ay tinalakay at pinaliwanag niya ang lahat ng mga resolusyong napagtibay nila. Pagkatapos nito ay mensaheng nagbibigay ng inspirasyon ang kanyang iniwan.
Ibinahagi naman ni Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino bilang kinatawan ni Mayor Bing Diestro-Aquino, ang mga dinaluhan sa nagdaang linggo at ipinaliwanag niya isa-isa ang mga tinalakay sa mga nasabing pagpupulong, programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Official Website of Municipality of Real
error: