
FLAG RAISING CEREMONY
FLAG RAISING CEREMONY
Sa pangunguna ng Municipal Assessors Office ay pinasimulan ang isang linggong paggawa at ang tradisyunal na pagtataas ng bandila sa Lokal na Pamahalaan. Dito ay nakasama si Ptr. Arman Gilos na nagbigay ng makabuluhang salita ng Diyos.
Dito ay pinakilala ang bagong officer in charge sa Bureau of Fire na si SF01 Aldomer P. Castillo.
Nag-ulat naman si Local Assessment Operations Officer I Cyrile G. Villamanto patungkol sa naganap 19th Philippine Society of Agricultural and Biosystems Engineers (PSABE) Regional Convention kasama si Engr. Edsel Oñate na ginanap sa College of Engineering and Agro-Industrial Technology University of the Philippines Los Baños. Dito ay ibinahagi ang pagkakaroon ng National Network of Farm-To-Market Road at hinihikayat ang mga LGUs na magkaroon ng Local Network of FMRs. Dito ay ipinanawagan ang pagkakaroon ng readily available rainfall data na malaking maitutulong sa komunidad lalo na sa katulad nating nasa laylayan ng bundok ng Sierra Madre.
Iniulat naman ni TOO I Benirose Talabucon ang ginanap na Arts Month Celebration noong Pebrero 10-11, 2023 na may temang Ani ng Sining, Bunga ng Galing. Dito ay nagpaabot siya ng taos pusong pasasalamat sa mga naging kabahagi ng programa upang ito ay maisakatuparan.
Nag-ulat naman si MENRO Bryan E. Potestades sa kanilang naging pagpupulong noong nakaraang Martes bilang pagtugon para magkaroon ng access road sa Brgy. Malapad. Kanilang personal itong pinuntahan kasama sina TOO I Benirose Talabucon, MPDC Rommel Poblete at mga Kagawad. Pinasalamatan niya ang mga nakasama sa naganap na Tree Planting/Tree Growing Activity sa Kiloloron Watershed. Nakasama sa gawain na ito ang kawani ng Barangay Kiloloron, DENR CENRO, BFP, PNP QPMFC, PCG, SLP-Kiloloron, KUMARE, at RACOS.
Inulat naman ni Konsehal Aileen R. Buan ang ginanap na Pagdinig na patawag ng Sangguniang Panlalawigan kasama si MSWDO Leo James Portales. At dito ay inaprobahan na ang ordinansa na kung saan ay patungkol sa Pre-Marriage Orientation and Counseling. Binanggit rin niya ang naging pagdinig sa Lupon ng Transportasyon sa pagitan ng Infanta at Real na nakasama dito ang RTODA, RTTI at iba pa.
Nagbigay naman si Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro na mensaheng nagbibigay ng inspirasyon at iniulat naman niya dalawang ordinansa na napagtibay ng kanyang tanggapan. Una ay ang ordinansang nagbabawal sa Muffler ng mga motor na nagdudulot ng ingay sa nasasakupan ng Bayan ng Real at kautusang pambayan na nagtatakda ng taripa ng pamasahe sa mga tricycle na may permisong magbyahe.
Nagbigay rin ng ulat si Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino bilang kinatawan ni Mayor Bing Diestro-Aquino. Dito ay inulat niya mga nakaraang mga nagawa ng kanilang tanggapan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso