Skip to main content

Flag Raising Ceremony

Pinasimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyunal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Budget Office at dito ay nakasama para sa Mabuting Balita ng Panginoon si Pastora Helen Siat.
Labing-anim na work immersionist ang malugod na tinanggap at ipinakilala ni MGDH-HRMO Doris Gurango Rutaquio na mula sa Mount Carmel School of Infanta. Sila ay made-deploy sa ibat-ibang tanggapan dito Pamahalaang Bayan.
Sa pangunguna ni Ma’am Yoleny Portales at PSDS Ireen Aveno, kasama ang ilang kaguruan, ay ipinakilala at pinarangalan ang ating mga kabataang Realeño na nagmula sa iba’t-ibang paaralan na nagwagi sa iba’t-ibang paligsasahn sa larangan ng sports.
Ibinahagi ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro ang mga inaprobahan nilang ordinansa noong nakaraang linggo.
Bilang kinatawan ni Mayor Bing Diestro-Aquino, ibinahagi naman ni Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino ang mga accomplishments sa nagdaang linggo.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: