Skip to main content

FLAG RAISING CEREMONY

Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan, ang programa ng pagtataas ng bandila ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at nakasama si Ptr. Willie Rivera para sa Morning Devotion.
Sa ulat ni Agricultural Technologist Winifredo C. Camaligan, ibinahagi niya ang inaprobahan ng Office of the Provincial Veterinarian ang kahilingan na magsagawa ng Veterinary Medical mission para sa bahagi ng Rabies Awareness Month ngayong Marso.
Sa pangunguna ni G. Eugene Eclavea at PSDS Ireen Aveno kasama ang ilang kaguruan, ipinakilala at pinarangalan ang ating mga kabataang Realeño na nanalo sa Palarong Quezon 2023 na kung saan dumayo ang ating mga atleta sa Lungsod ng Lucena at Bayan ng Atimonan noong March 3-5, 2023.
Nagbigay naman ng Certificate of Accreditation sa labimpitong Samahan pamamagitan ni SB Sec. Carlo Luis A. Calleja.
Nagpasalamat at nagbigay ng mensaheng nagbibigay inspirasyon ang ating Halig Punong Bayan Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro.
Isang pagbati at magiliw na mensahe naman ang ibinigay ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino. Iniulat niya ang mga nakaraang accomplishement ng kanilang tanggapan at malugod niyang ipinakilala ang tatlong bagong opisyal, sina PPLB Gemiliano E. Delica, Kap.Aladin V. Zuela at Kgwd. Randy Manto. Kasabay nito ay ang panunumpa ng bagong Municipal Agriculturist na si Gng. Filomena R. Azogue.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Official Website of Municipality of Real
error: