Skip to main content

Flag Raising Ceremony | May 28, 2024

Pinangunahan ng Municipal Treasury Office ang tradisyonal na seremonya ng pagtataas ng watawat upang markahan ang simula ng isang linggong gawain ng Lokal na Pamahalaan. Nakasama dito si Pastor Willie Rivera upang maghatid ng Mabuting Balita mula sa Diyos.
Nagbigay ng update si MDRRMO Ricky Poblete kay Bagyong Aghon. Ayon sa kanya maswerte ang ating bayan dahil hindi masyadong nanalasa kumpara sa ibang mga bayan at wala namang naitala na nasira na mga kabahayan.
Nagbigay rin ng ulat si Youth Development Officer Art Barry Rosunabe patungkol sa binigay 271 LGU Family Food packs at 100 hygiene kits na galing mula sa DSWD para sa mga lumikas na pamilya. Ayon sa kanya nagkaroon ng 15 na evacuation centers sa pitong barangay, 271 ang nasa loob ng evacuation na mula sa barangay Ungos, Cawayan, Kiloloron, Capalong, Pandan, Tanauan, Bagong Silang, at Maragondon, 35 pamilya naman ang nasa labas ng evacuation o nakikitapok sa ibang bahay at may kabuuang 886 katao ang apektado ng Bagyong Aghon at 174 tao na stranded sa Port of Real at nakapagbigay ng assistance na 110 kilo ng bigas at manok para sa lahat ng barangay para sa Community Kitchen.
Panghuli, nag-ulat si MGAD Specialist Filomena M. Portales patungkol sa kanyang dinaluhan na Joint Provincial/City/Municipal Committee Against Trafficking in Person, Child Pornography and VAWC. Ayon sa kanya, ang ating Lokal na Pamahalaan ang may mataas na puntos pagdating sa assessment na ginawa.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: