Sa unang Lunes ng buwan ay pinangunahan ng Municipal General Services Office na pinamumunuan ni G. Reuben M. Friginal ang pagpapadaloy ng programa at tradisyunal na pagtataas ng bandila, at nakasama si Ptr. Lemuel Tamon na siyang nagbahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Sa pag-uulat ni Kons. Amelie Peñamante ay inilahad niya ang dinaluhang 1st National Surfing Summit 2022 sa San Juan, La Union. Nag-paabot siya ng pasasalamat sa suporta ng Lokal na Pamahalaan para sa pagpapaunlak sa nasabing seminar.
Sa ulat naman ni Kons. Amanda Sharon “Adie”Diestro-Domingo ay binahagi niya ang naging daloy ng seminar kasama ang Real Municipal Cooperative Development Council (RMCDC) at mga kinatawan mula sa iba’t-ibang kooperatiba ng ating bayan na ginanap sa Quezon Convention Center noong Oktubre 26, 2022.
Bukod dito ay hinikayat din niya ang lahat na makiisa sa gaganaping River Clean Up sa Barangay Lubayat, sa darating na Huwebes. Ayon sa kanya, magkikita-kita ang mga nais dumalo sa Municipal Grounds sa ika-anim ng umaga.
Muling binigyang paalala naman ni HRMO Doris G. Rutaquio ang ilang kasamahan sa Lokal na Pamahalaan na hindi pa nagsusumite ng kanilang OPCR at IPCR.
Isang mensaheng nagbibigay ng inspirasyon ang binigyang pansin ng ating Halig Punong Bayan Doyle Joel Diestro.
Iniulat ni Mayor Bing-Diestro Aquino ang mga accomplishments noong nagdaang linggo at nagbigay ng lubos na pagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa mga nagdaang aktibidad.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines