
FLAG RAISING CEREMONY – October 03, 2022
Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagpapadaloy ng programa sa umagang ito, at nakasama si Rev. Father Reymar G. Olila na siyang nagbahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon at mensahe sa ika-10 Anibersaryo ng kanyang pagkapari.
Sa ulat ni Tourism Operations Officer I Benirose Marie V. Talabucon, kaniyang ibinahagi ang mga dinaluhan niyang aktibidad patungkol sa pagpapalago at pagpapalawak ng turismo sa ating bayan. Nakiisa sa World Tourism Month Celebration 2022 na may temang “Rethinking Tourism” kung saan ang bayan ng Real ay isa sa kinilalang Top Destinations in Quezon Province. Ang Real ay itinanghal bilang Top 7 sa Same Day Tourist Arrivals at Top 3 sa Overnight Tourist Arrivals. Ipinaabot din niya na magkakaroon ng
iba’t-ibang programa ang ating bayan sa darating na kapaskuhan.
Nagpasalamat naman si MGDH-HRMO Doris Gurango Rutaquio sa mga sumuporta, nakiisa at tumulong sa nagdaang LGU Family Day.
Ibinahagi ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro- Aquino, ang ginawang Commission on Audit Entrance Meeting, Coordination Meeting with Regional Line Agencies for the Conduct of Serbisyo Caravan and Ugnayan sa Barangay, pagkakaroon ng Technical Budget Hearing FY 2023, at pagkatalaga niya bilang Assistant Secretary General sa Mayor’s League Quezon Province Officers.
Binigyan rin niya ng pagkakataon na pasalamatan ang atin dating Municipal Administrator Filomena M. Portales para sa pagmamahal sa kanyang pamilya at pagseserbisyo sa Lokal na Pamahalaan.
Nanumpa at nagbigay ng maikling mensahe si Engr. Rainier V. Aquino, ang bagong Municipal Administrator sa Lokal na Pamahalaan.
Isang mensaheng nagbibigay ng inspirasyon ang iniwan ng ating Halig Punong Bayan Doyle Joel Diestro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso