Skip to main content

FLAG RAISING CEREMONY | OCTOBER 10, 2022

Pinangunahan ng Municipal Economic Enterprise and Public Utility Office (MEEPUO) ang programa at tradisyunal na pagtataas ng bandila para sa pagsisimula ng isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan. Nakasama dito si Pastora Helen Siat na nagbigay ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Nagpakilala at nagpasalamat ang mga miyembro at benepisyaryo ng Government Internship Program sa pagtutuwang DOLE at ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng PESO. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng mga pagkakataon at mahikayat ang mga kabataang manggagawa na makapagbigay serbisyo publiko sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan.
Nagpasalamat naman si MGAD Consultant Filomena M. Portales sa ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pagsuporta sa ginawang Partnerships Forum sa pangangasiwa ng Haribon Foundation. Ibinahagi niya ang layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang samahan ng kababaihan dito sa ating bayan para mas mapaigting ang livelihood programs na isasagawa nila.
Mula sa ulat ni Konsehala Aileen Resplandor-Buan, sinabi dito na nagpatawag ng pagdinig ang Sangguniang Panlalawigan sa pagitan ng Committee on Appropriations at Committee on Rules. Ipinarating rin niya ang isinagawang Technical Budget Hearing sa taong 2023 na ginanap sa Makati City. At sa pang-huli, binati rin niya ang kaniyang yumaong ama na si dating Halig Punong Bayan Reynaldo “Tata Rene” Nuza Resplandor ngayong araw ng kapanganakan.
Iniulat ni Municipal Administrator Engr. Rainier Aquino ang mga naganap at ginawa noong nakaraang linggo at idinagdag pa niya ang mga iskedyul at programang idadaos na Serbisyo Caravan.
Sa pag-uulat naman ni Administrative Officer Ejeel V. Regado, tinalakay dito paglalabas ng ating Punong Bayan Diana Abigail Diestro-Aquino ng Memorandum para sa lahat ng departamento at opisina sa Lokal na Pamahalaan na patungkol sa Reduction of Energy-Electricity Consumption.
Isang mensaheng nagbibigay ng inspirasyon ang binigyang pansin ng ating Halig Punong Bayan Doyle Joel Diestro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: