Skip to main content

FLAG RAISING CEREMONY – OCTOBER 17, 2022

Pinangunahan ng Municipal Engineering Office (MEO) ang programa at tradisyunal na pagtataas ng bandila para sa pagsisimula ng isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan. Nakasama dito si Pastora Regie Ortillano na nagbigay ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Nagpasalamat at nag-ulat si Board of Director Ramil Resplandor patungkol sa taripa ng ating kuryente. Tinalakay niya dito ang sobrang pagtaas ng coal na kung saan ito ang ginagamit sa mga planta ng kuryente.
Ipinakilala naman ni FO1 Camba ang kanilang karagdagang kasamahan sa Bureau of Fire Protection, ito ay sina FO1 Establicida at Inspector Navaez.
Iniulat ni MENRO Bryan E. Potestades ang patungkol sa training na kanyang dinaluhan.
Nagpasalamat naman si MLGOO Raya Rublico sa apat na araw ng pagsasagawa ng Serbisyo Caravan – Bisita Barangay.
Iniulat naman ng Municipal Civil Registrar JohnMark De Leon ang patungkol sa pagbibigay ng access credential o voucher access sa bawat empleyado sa lokal na pamahalaan. Pinaliwanag niya rito ang pag-oobserba ng taas ng antas ng ating wifi at tamang pagkunsumo nito.
Iniulat ni GSO Reuben Friginal ang pagmomonitor ng kuryente sa buong establisyemento.
Nagpasalamat naman si Konsehal Aileen Buan sa apat na araw niyang nadaluhan na Serbisyo Caravan – Bisita Barangay. Ibinahagi rin niya ang ang mga aktibidad sa nalalapit na Harvest Festival at ang schedule nito. Ibinalita rin niya ang supplemental budget 2 ay mapagtitibay na.
Isang mensahe nagbibigay ng inspirasyon ang binigyang pansin ng ating Halig Punong Bayan Doyle Joel Diestro.
Inulat ni Mayor Bing Diestro-Aquino ang lahat ng mga aktibidad na dinaluhan at sinuportahan niya sa nagdaang linggo. At pinagtuunan ng pansin ng ating Punong Bayan ang mga programa sa mga darating na taon lalo’t higit ang mga nakapaloob sa Executive-Legaslative agenda.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: