FLAG RAISING CEREMONY OCTOBER 25, 2022

Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources ang pagpapadaloy ng programa sa umagang ito at nakasama si Pastora Mhely Delfin na siyang nagbahagi ng Mabuting Balita ng Panginoon.Sa pagbibigay ng ulat ni TOO I Benirose Talabucon, nagpaabot siya ng lubos at taos pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa mga programang inihanda ng Lokal na Pamahalaan lalong higit sa iba’t ibang komitiba na naging bahagi sa nagdaang Harvest Festival 2022. Bukod dito , binahagi rin niya ang aktibidad na dadaluhan nila bilang representative kasama si Mayor Bing Diestro- Aquino, Konsehala Amelie Peñamante sa National Surfing Summit 2022, at mga paghahanda sa mga aktibidad sa darating na Kapaskuhan. Binigyan naman ng paalala ni HRMO Doris G. Rutaquio ang ilang kasamahan sa Lokal na Pamahalaan patungkol sa pagsusumite ng OPCR at IPCR. Iniulat naman ni MENRO Bryan E. Potestades ang dinaluhang Seminar na ginanap sa Butuan City, Agusan Del Norte na Philippine League of Local Environment and Natural Resources Offices. Binahagi rin niya ang mga natutunan at naobserbahan sa nasabing seminar para na rin sa pagpapalago sa ating Lokal na Pamahalaan. Iniulat naman ng Municipal Civil Registrar Johnmark De Leon ang pagbibigay ng access credential o voucher access sa bawat empleyado sa Lokal na Pamahalaan. Kaugnay din nito ay ipinaalala niya ang pag-oobserba sa taas ng antas ng ating wifi at tamang pagkonsumo nito.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 3 5 8 1
Users Today : 62
Users Yesterday : 167
Users This Month : 713
Users This Year : 23580
Total Users : 23581
Views Today : 100
Views Yesterday : 260

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: