Sinimulan ang isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng tradisyunal na pagtataas ng bandila sa pangunguna ng Municipal Budget Office.
Ibinahagi ni MENRO Bryan E. Potestades ang isa sa programa ng MENRO na River Protection Program na isang mandato ng DILG sa Manila Bay Program kung saan kasali ang ating bayan. Layon nito na matukoy ang mga major at minor domestic, industrial, commercial pollutant contributors sa mga ilog sa munisipalidad at kaugnay nito ay ipinakilala niya ang mga Enumerator na magsasagawa ng information and education campaign tungkol sa mga probisyon ng mga kaugnay na batas na sumasaklaw sa proteksyon ng ilog at kalidad ng tubig nito.
Nag-ulat d si Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro sa mga activities ng Sangguniang Bayan tulad ng pagpapasa ng 11 na resolusyon at 2 ordinansa. Binati din niya ang ating Punong Bayan sa matagumpay na pagsasagawa ng kakatapos ng Peace and Order Public Safety Caravan.
Sa mensahe ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro Aquino, binanggit niya ang mga accomplishment ng Lokal na Pamahalaan noong nakaraang linggo at ito ang Peace and Order Public Safety Caravan at Local Housing Board Meeting. Binanggit din niya dito ang ilang activity na nakatakdang gawin sa mga susunod na araw tulad ng Joint Meeting of MDC, LDRRMC at LPOC at Blessing of Day Care Center sa Barangay Capalong. Nagpasalamat din siya sa Sangguniang Bayan, mga staff mga tumulong, sumuporta at naging abala sa matagumpay na pagdaraos ng ikalawang Peace and Order Public Safety Caravan. Pinasalamatan din niya ang mga dumalong panauhin mula sa Regional, Provincial at National Government. Sa huli ay iniwan niya ang kasabihan na “The things that bury you may also be the soil where you bloom.”
#RealeñoProduktibo
#RealeñoDisiplinado
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines