
Flag Raising Ceremony | September 18, 2023
Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang tradisyunal na pagtataas ng bandila para sa pagsisimula ng isang linggong paggawa ng Lokal na Pamahalaan. Nakasama dito si Pastor Lemuel Tamon na nagbahagi ng Mabuting Balita ng Diyos.
Nagpaabot ng pasasalamat si HRMO Doris Rutaquio sa mga opisyal at ng Lokal na Pamahalaan na nakiisa sa ginanap na LGU Family Day at International Coastal Clean-Up. Ibinalita rin niya ang mga gaganaping aktibidad, ang Forum on Mental Health for Men sa Setyembre 19, 2023, Phase 1 ng Training for Natural Nurturers sa Setyembre 21 – 22, 2023, Phase 2 sa Setyembre 25 – 28 at Phase 3 sa Oktubre 17 – 20, 2023.
Nagpasalamat si SB Sec. Carlo Luis A. Calleja sa pagpapahintulot sa kanya ng Punong Bayan at Halig Punong Bayan na dumalo sa ginanap na seminar ng Liga ng mga Kalihim ng Sangguniang Bayan ng Pilipinas sa Iloilo City, kung saan ay nagkaroon ng conference patungkol sa Ratification of Bylaws dahil sa matagal ng hindi nababago ang panuntunan ng kanilang samahan.
Pagbati sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang ibinigay ng ating Halig Punong Bayan Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro. Sa ulat niya, siya muna ang magiging pansamantala na naatasan bilang Punong Bayan sa loob ng limang (5) araw sa kadahilanang ang ating Punong Bayan ay nasa 5-day Executive Program on Innovation Management and Development Course sa Nanyang Polytechnic International sa Singapore kasama ang ibang Local Chief Executives at DILG.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso