Flag Raising Ceremony | September 19, 2022

Pinangunahan Municipal Civil Registry Office ang programa sa pagtataas ng bandila.
Dito ay ipinakilala ni PPSK Larissa Jane S. Gardose ang mga estudyante ng ROMMA, Lubayat National High School, Ungos Integrated National High School, at St. Raphael College of Business and Arts Inc. na gaganap bilang mga Junior Officer sa tanggapang nakatalaga sa kanila. Sila ay mag-oobserba sa mga pinuno ng tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan upang malaman, matutunan at makita nila ang mga tamang gawain sa pagtatrabaho lalo na sa gobyerno.
Ibinahagi naman dito ni Kons. Aileen R. Buan ang naging pagpupulong kasama si Tourism Officer I Benirose Marie V. Talabucon tungkol sa post evaluation ng POPS Caravan.
Si Kons. Seth Almonte ay nag-ulat naman sa ginanap na pulong kasama si MENRO Bryan E. Potestades kung saan ay tinalakay ang R.A 9275 o ang Philippine Waters Act.
Ibinahagi naman ni Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro ang kanilang mga ginawa at pinagtibay na mga kapasiyahan at ordinansa kasama ang mga miyembro 19th Council.
Sa mensahe ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino, kaniyang binanggit ang mga naging aktibidad sa nagdaang linggo, gaya ng pagdalo sa election ng officers na mga mag-aaral na ginanap sa Real Elementary School (Central), na opisyal ding nanumpa sa kanilang tungkulin; pagdalo sa leveling of expectations sa pagitan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) IV-A at mga napiling bayan; ang CSO Selection of Representatives bilang mga magiging kinatawan sa Local Special Bodies.
Binanggit din niya na minabuting ibalik ang saya at sigla ng ating bayan gaya ng Mutya ng Real at iba pang aktibidad na hindi naisagawa noong panahon ng pandemya. Ibinalita niya na magkakaroon ng Launching of Nutribun ngayong Miyerkules sa Lucena, katuwang ang Philippine Coconut authority ay magsasagawa ng pag-imbentaryo ng mga puno kaugnay sa Pandan-Masikap Farm to Mark Road, at sa darating na Biyernes ay magkakaroon ng Budget Hearing at pag-uusap tungkol sa mga gaganaping events at iba pang concerns.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 7 2 6 3
Users Today : 36
Users Yesterday : 97
Users This Month : 3982
Users This Year : 21534
Total Users : 47263
Views Today : 62
Views Yesterday : 223

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: