GCQ | MASS GATHERINGS

Please Share.
Alinsunod sa Executive Order No. 16, Series of 2021 ni Gov. Danilo E. Suarez, ang mga pagtitipon sa labas ng mga tahanan ay ipinagbabawal maliban sa mga pinapahintulutan sa Section 9 ng Atas na iyon.
✖️ Ang pagtitipon sa mga tahanan na may sinumang tao na hindi miyembro ng sambahayan, ay ipinagbabawal.
✔️ Ang mga mahahalagang pagtitipon para sa pagkakaloob ng mga serbisyong pangkalusugan, serbisyo ng gobyerno o mga gawaing makatao na may kapahintulutan ng angkop na ahensya ng gobyerno ay pinapahintulutan.
✔️ Sa mga pagtitipong panrelihiyon, tanging tatlumpong porsyento ng kapasidad ng lugar na pinagdarausan, kapilya o simbahan ang pinapahintulutan sa kondisyong mahigpit na susunod sa minimum public health standards.
✔️ Ang mga pagtitipon para sa serbisyong necrological, lamay, at libing para sa mga namatay na ang sanhin ay hindi dahil sa COVID-19 ay pinapahintulutan hanggang sa tatlumpung porsyento ng kapasidad ng lugar na pagdarausan at mahigpit na susunod sa minimum public health standards.
✔️ Ang pagbisita sa sementeryo dapat limitahan sa hindi hihigit sa sampung katao bawat grupo at hindi lalampas sa tatlumpung porsyento ng kapasidad ng lugar na pinaglibingan ng yumao.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 7
Users Today : 31
Users Yesterday : 119
Users This Month : 933
Users This Year : 12286
Total Users : 12287
Views Today : 53
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: