Harvest Festival 2022, namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Alagang Realeño Kard o “ARK” sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines Real Branch

Bilang bahagi ng programa sa Harvest Festival 2022, namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Alagang Realeño Kard o “ARK” sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines Real Branch. Ito ay naglalayong gawing mas mabilis, madali at organisado ang pagtanggap ng mga tulong pinansyal mula sa Lokal na Pamahalaan.
Mga Realeño na maaaring kumuha nito:
1. Senior Citizens
2. Head of the Household ( kada-pamilya)
3. Iskolar ng IskolaRealeño Program
Maaaring magamit ang ARK sa pag-avail ng mga sumunod:
1. Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS
2. Pa-Birthday kay Lolo at Lola
3. Localized Social Pension
4. Stipend para sa mga Iskolarealeño
5. Death Benefit o Burial Financial Assistance
6. At iba pang uri ng pinansyal na tulong mula sa lokal na Pamahalaan gaya ng Centenarian Incentive at mga ayuda gaya ng medical, disaster relief and rehabilitation assistance.
Paano mag-avail:
Kung ikaw ay lehitimong Realeño, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ng Punong Bayan at mag- fill up ng application form at magpasa ng mga sumusunod na requirements;
1. Voter’s ID
At alin man sa mga sumusunod
1. Cedula
2. Birth Certificate ( Real, Quezon ang nakatalang Birth of place)
3. Income Tax Return
4. Certification from MPDO na kasama ka sa Community Based Monitoring System o CBMS database.
Ang programang ito ay sa inisyatiba ng ating Mayor Bing Diestro-Aquino at sinuportahan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 2 2 3 6 1
Users Today : 78
Users Yesterday : 104
Users This Month : 2912
Users This Year : 22360
Total Users : 22361
Views Today : 407
Views Yesterday : 187

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: