Skip to main content

HOMECOMING PARADE

Sama-sama nating salubungin sa Homecoming Parade ang ating magigiting na mga Atletang Realeño na lumahok at nagbigay karangalan sa ating bayan sa ginanap na 1st District Congressional Athletic Meet noong Pebrero 1-4, 2024 sa Lucban, Quezon.
Hatid ng Lokal na Pamahalaan katuwang ng inyong lingkod ang Sangguniang Bayan, Local School Board kasama ang DepEd at Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Real.
Ngayong Lunes na, Pebrero 12, 2024 ganap na ika-7:00 ng umaga. Magmumula ang Parada sa may Caltex Gas Station at magtatapos sa ating Municipal Grounds, Municipal Government Center, JAAD Building.
Tunghayan ang ruta ng parada sa litrato.
PLEASE SHARE!
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: