HULYO 28, 2021 | Public Consultation (Coordination Meeting) on Pandan-Masikap FMR

Sa pangangasiwa nina Engr. Cyrile D. Gabriel, EnP Rommel A. Poblete-MPDC, MENRO Bryan E. Potestades, Engr. Wincel Harvard F. Obenita-Building Inspector, Engr. Edsel A. Oñate-Planning Assistant bilang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan, kasama ang kinatawan ng CENRO na si Land Management Officer Flordelisa S. Igloria, nagkaroon ng pagpupulong na ginanap sa Barangay Pandan patungkol sa 2.8km Pandan-Masikap Farm to Market Road.

Ibinahagi ni Engr. Obenita ang presentation tungkol sa proposed trajectory base sa surveyor-proposed trajectory at land claimant-proposed trajectory. Binigyang linaw naman ni LMO Flordelisa S. Igloria ang mga pamantayan na nararapat ayon sa batas at ang mga magagandang maiidulot ng gagawing proyekto at hiniling niya sa kanila na sana maging bukas ang kanilang mga isipan para sa kapakanan ng bawat isa bilang tulong na rin sa ating pamahalaan at gobyerno.

#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines
© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real