Hulyo 29, 2021 | Joint Rescue Operation

Dahil sa malakas na ihip ng hanging habagat, isang mangingisda kasama ang kanyang anak ang dumulog sa tahanan ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino upang humingi ng tulong kaugnay ng kanilang lumubog na bangkang pangisda sa bahagi ng karagatan na malapit sa Isla ng Baluti.
Sa atas ng Punong Bayan ay agad na nagkasa ng isang operasyon ang pinagsama-samang puwersa ng Philippine Coast Guard-Real Station, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Agriculture Office/MFARMC upang hanapin ang lumubog na bangka, kasama ang mag-ama na sina G. Armando Dela Cruz at Angelo Dela Cruz na kapuwa naninirahan sa Brgy. Capalong ng bayang ito. Naging matagumpay ang operasyon at ang naturang bangka ay nadala sa Brgy. Ungos upang doon isagawa ang pag-sasaayos.
Patuloy pa ring binibigyang babala ng ating Lokal na Pamahalaan ang mga mangingisda na mag-ingat at iwasan muna ang pumalaot habang malakas ang ihip ng hanging habagat.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

 

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines
© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real