Hulyo 29, 2021| Signing of Memorandum of Agreement

Isinagawa ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Kagawaran ng Pagsasaka -Rehiyon A4 na mula sa RMIC Building BPI Compound Diliman Quezon City na kinatawanan ni G. Arnel V. De Mesa-Regional Executive Director at Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur sa pangunguna ni Gng. Evangeline F. Paril -Municipal Agriculturist kasama si G. Winifredo G. Camaligan Jr.-Agricultural Technologist.
Ipinagkaloob ang isang libong (1000) ulo ng pugo (quail) na mula sa Livelihood Assistance Program ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4A sa Nagkakaisang Samahan ng Magniniyog ng Maragondon, Tanauan at Tignoan (NASAMMATTIG) na tinaggap ng kanilang Pangulo na si Gng. Luz Vergara.
Ang mga pugo ay kanilang aalagaan, pakakainin, palalakihin at pamamahalaang mabuti sang-ayon sa panuntunan at pamantayan ng Livestock Program sa pamamagitan ng Agricultural Program Coordinating Office (APCO), City Veterinary Office at Municipal Agriculture Office.
Ang nasabing ipinagkaloob ay magsisilbing panimulang pagkakakitaan o hanapbuhay ng pinagkalooban at nararapat na ipagpatuloy pag-aalaga hanggang sa maging matatag ang kabuhayan. Ito ay isasailalim sa palagiang pagbisita ng kinatawan mula sa nabanggit na ahensya.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines
© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real