Skip to main content

iBPLS Launching

Isinagawa ang virtual launching ng Integrated Business Permits and Licensing System ng Bayan ng Real sa pangunguna ni Regional Director / DICT Region IV-A And Region IV-B na si Dir. Cheryl C. Ortega. Isang programa ng pamahalaan na tumutugon sa RA 11032 o ang Ease of Doing Business Act.
Sa pamamagitan ng sistemang ito ay mas mapapabilis ang mga transaksyon kaugnay sa pagkuha ng business permit ng ating mga kababayan. Isa lamang ito sa mga serbisyong magiging available online, o e-government services na magiging available sa ating bayan sa mga darating na panahon.
Dumalo at nagpapasalamat sa DICT ang ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino kasama ang ilang kawani ng Pamahalaang Bayan, sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng Bayan ng Real sa larangan ng electronic/digitalization ng government trasactions, partikular sa iBPLS.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Official Website of Municipality of Real
error: