Skip to main content

INTEGRATED FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES MANAGEMENT COUNCIL (IFARMC) MEETING

Nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga miyembro ng Integrated Fisheries and Aquatic Resources Management Council (IFARMC) sa pamumuno ng kanilang pangulo na si G. Justino F. Dacillo.
Ito ay nilahukan ng labing- pitong (17) representante ng kani – kanilang MFARMC ng mga bayan na nakapalibot sa loob ng LAMON BAY para balangkasin at pag – usapan ang mga sumusunod na talakayan at gawain:
– Pagtatala ng mga Punong – Komite bilang kalahok sa Technical Working Group (TWG)
– Mga Planong Gawain sa Proyektong European Union (EU) para sa taong 2024
– Pagbalangkas at Pagpuno sa mga Bakanteng Posisyon sa Konseho
– Ulat mula sa labing – pitong bayan na kasapi sa konseho hinggil sa mga kaganapan ng kani – kanilang pangisdaan.
– Ang planong Unified Municipal Fisheries Ordinance (UMFO)
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang miyembro ng Sangguniang Bayan na si Kons. Amelie A. Peñamante kasama si MPDC EnP. Rommel A. Poblete, ISO Executive Director Doctora Liza Um, Program Manager Aaron Bustamante, Regional IFARMC Coordinator (BFAR) Josefina Tolentino, Office of the Provincial Agriculturist Opa Representative Aprileon Rufo, at Miyembro Sangguniang Bayan ng Patnanungan na si Kgg. Ronald Armada.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Official Website of Municipality of Real
error: