Ang ikaapat na batch ng mga benepisyaryo ng IskolaRealeño na may kabuuang dalawampu’t tatlo (23) ay binigyang oryentasyon sa araw na ito ukol sa mga panuntunan ng programang ito ng Lokal na Pamalaan gaya ng pagpapanatili ng nakasaad na antas ng kanilang grado at maging mabuting huwaran ng mga kabataang Realeño.
Ang gawaing ito dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino, Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro , SB Committee Chairperson on Education-Kons. Jenra D. Asis-Poblete, Kons. Amanda Sharon Diestro-Domingo, Kons. Amelie A. Peñamante, Kons. Aileen R. Buan, Kons. Renmar A. Sollestre, Kons. Ronald P. Isidro, Kons. Seth R. Almonte, MSWDO Leo James M. Portales, at Planning Assistant-Engr. Edsel A. Oñate.