Kalahi-CIDSS Additional Financing Phase 2 | MIAC Technical Review

Isinagawa ang Multi Inter-Agency Committee (MIAC) Technical Review para sa KALAHI-CIDSS Additional Financing upang suriin ang lahat ng mga panukalang Sub-Projects, kung tama at kumpleto ang mga teknikal at pinansyal na mga dokumento batay sa pagsunod sa mga pamantayan at mga panukala na ipinatutupad sa proseso ng Request for Fund Release (RFR); makapagbigay ng rekomendasyon at komento ang mga MIAC Members sa ginawang sub-project proposals ng mga barangay; at makapagpasa ng isang resolusyon para sa pag-endorso sa MDRRMC at RPMO para sa kaukulang pondo, Phase 2.
Ang Technical Review ay pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare Development Office at DSWD Region 4A CALABARZON at ginampanan ng MIAC Members na sina Municipal Engineer William L. Lucero, Municipal Budget Officer Cynthia P. Diamante, Municipal Health Officer Dr. Maricris M. Uy, MENRO Bryan E. Potestades, Municipal Accountant Liza R. Suavedez, MDRRMO-OIC Ricky A. Poblete na kinakatawan ni Admin Aide Leo R. Poblete, katuwang ang bawat Punong Barangay at Community Volunteers. Naging katuwang din sina Regional Infrastructure Officer III Engr. Charmaine Joy S. Palino, CDO III Heizel B. Gozo, at Municipal Area Coordinator Mary Ann P. Molato.
Ang gawaing ito ay sinuportahan ng ating Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino na kinakatawan ni Administrative Officer Ejeel V. Regado, Halig Punong Bayan Doyle Joel M. Diestro na kinakatawan ni Mrs.Liezel C.Balboa, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at Municipal Social Welfare Development Officer Leo James M. Portales.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 8 4 6 1
Users Today : 186
Users Yesterday : 122
Users This Month : 712
Users This Year : 22732
Total Users : 48461
Views Today : 310
Views Yesterday : 211

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: