Tinipon ang mga opisyal ng barangay at Lupong Tagapamayapa ng Bayan ng Real upang isailalim sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa Katarungang Pambarangay na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni MLGOO Ann Maureen D. Gumboc katuwang sina si Municipal Trial Court (MTC) Judge ng Polilio, Quezon na si Atty. Aleli Garcia, MLGOO DILG Bernard Castillo, at si Cluster Head DILG District 1 Engr. Vilma B. De Torres.
Isa sa mga tinalakay dito ang Presidential Decree (PD1508) o Katarungang Pambarangay Law ay pinagtibay noong Hunyo 11, 1978 at naging epektibo naman noong Disyembre 20, 1978. Ang PD 1508 ay isang pagkilala sa mahalagang papel ng tradisyon ng mga Pilipino na ayusin ang anumang gusot, hidwaan o hindi pagkakaintindihan ng bawat isa sa pamamagitan ng amicable settlement na siyang daan upang maitaguyod ang mabilis na pangangasiwa ng hustisya o katarungan sa barangay level na hindi na kinakailangan pang dumaan sa korte.
Nagkaroon din ng oryentasyon hinggil sa Lupon Tagamapayapa Incentives Awards, mga layunin nito, mga kinakailangang dokumento at susunding proseso.
Ang mga naging participants ay mula sa mga barangay ng Bagong Silang, Malapad, Llavac, Maunlad, Ungos, Tignoan, at Capalong. Ito ay personal na dinaluhan ng ating butihing Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino kasama si Kons. Raffy M. Morfe. .
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines