Katarungang Pambarangay

Sa pangangasiwa ng DILG-Real sa pangunguna ni MLGOO Raya T. Rublico ay nagsagawa ng isang pagsasanay para sa mga opisyal at Lupong Tagapamayapa ng barangay patungkol sa Katarungang Pambarangay. Ito ay ayon sa Presidential Decree (PD1508) o Katarungang Pambarangay Law ay pinagtibay noong Hunyo 11, 1978 at naging epektibo naman noong Disyembre 20, 1978. Ang PD 1508 ay isang pagkilala sa mahalagang papel ng tradisyon ng mga Pilipino na ayusin ang anumang gusot, hidwaan o hindi pagkakaintindihan ng bawat isa sa pamamagitan ng amicable settlement na siyang daan upang maitaguyod ang mabilis na pangangasiwa ng hustisya o katarungan sa barangay level na hindi na kinakailangan pang dumaan sa korte.
Dito ay nagbigay rin ng kaalaman si Atty. Cherry Mae P. Avellano patungkol sa Discussion of Mostly Cases Filed in the Barangay with Prevailing and New Supreme Court Rulings at R.A 9262.
Dinaluhan at nagbigay ng mensahe dito ang ating Municipal Administrator Engr. Rainier V. Aquino bilang kinatawan ni Mayor Bing Diestro-Aquino, at sinuportahan ni PPLB Madelyn M. Diestro.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 9 3 1 7
Users Today : 91
Users Yesterday : 165
Users This Month : 1568
Users This Year : 23588
Total Users : 49317
Views Today : 204
Views Yesterday : 253

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: