Skip to main content

KKDAT Realeño Livelihood Program and Online Tula Making Awarding

Sa pangangasiwa ng 4th Platoon First Quezon Province Mobile Force Company (QPMFC ) sa pangunguna ni PLT EMER O HALILI at ng kanyang mga kasamahan na sina PSSG Alfie Acurin KKDAT Adviser katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Bing Diestro Aquino kasama ang Sangguniang Bayan, ay idinaos awarding ceremony para sa Online Tula Making Contest ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo).
Kasunod nito ang livelihood training sa paggawa ng dishwashing soap para sa mga kabataan na miyembro ng KKDAT. Naging tagapagsanay si PLT EMER O HALILI-Platoon Leader 4th Platoon 1st Quezon Provincial Mobile Force Company.
Dumalo sa programa sina Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro, Kons. Seth Almonte kasama sina Kons. Amelie A. Peñamente, Kons. Amanda Sharon D. Domingo at MLGOO Raya T. Rublico na siyang naging hurado sa ginawang Online Tula Making Contest at PMAJ JOSEPH C CARLIT ang bagong talagang Force Commander ng 1st QPMFC bilang panauhing tagapagsalita.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodblessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: