Leveling of Expectations Between DHSUD and Local Government Units

Isang leveling of expectations ang isinagawa sa Southwoods Country Club Carmona, Cavite sa pagitan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) IV-A at mga napiling bayan mula sa iba’t-ibang lalawigan na nasasakupan ng Region 4-A kung saan kabilang ang ating bayan para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Zero ISF Program for 2028. Ito ay programa ng Pamahalaang Nasyonal sa pamumuno ni Pres. Bong Bong Marcos na personal na dinaluhan ng ating Punong Bayan Mayor Bing Diestro Aquino kasama si MPDC Rommel Poblete.
Naging panauhin dito sina Usec. Jose Ramon Aliling, Usec. Garry De Guzman, Usec. Henry Yap at Asst. Sec. Krisnadasi De Leon na silang sumagot sa mga katanungan ng kapulungan. Dumalo din dito si Executive Assistant Zaldy Lopez Gariguez na siyang kinatawan ni Cong. Mark Enverga, ilang Municipal Mayors, Vice Mayors, Municipal Administrator at MPDC mula sa mga bayan sa loob ng ating rehiyon.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 6 7 9 7
Users Today : 96
Users Yesterday : 37
Users This Month : 190
Users This Year : 16796
Total Users : 16797
Views Today : 175
Views Yesterday : 54

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: