libreng Online Medical Video Consultation

Ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Real, katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot at ang Telemedicine Project ng DOH CaLaBaRZon ay nagsagawa ng libreng Online Medical Video Consultation noong ika-15 ng Abril 2021. Ang mga doktor sa kabilang linya ay isang General Surgeon at isang Internist mula sa Quezon Medical Center. Ang mga pasyente ay nakatipid sa pamasahe, pagkain at professional fee dahil hindi na nila kinailangan na magtungo sa malaking hospital.
Para sa mga gustong magpa-konsulta, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Midwife o Nurse na nakatalaga sa inyong mga barangay.

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines
© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error:
Live Updates Corona Virus (COVID-19) CASES