LOCAL IATF/IMT JOINT MEETING WITH PUNONG BARANGAYS AND PNP PERSONNEL

Dito ay iminungkahi ni Dra. Maricris M. Uy na isunod sa guidelines ng Department of Health ang pagtrato sa mga COVID-19 patients; at magkaroon ng online pre-registration para sa gustong magpa-vaccine para sa COVID-19.

Sama-samang dinesisyunan ng kapulungan ang gagawing pagkakaroon ng checkpoint sa Barangay Tignoan na may pangunahing layunin na mapahusay ang ginagawang pag-monitor ng mga turistang bumibisita at bibisita sa ating bayan ngayong tayo ay bukas nang tumanggap ng mga taga ibang bayan sa labas ng REINA.

 
Ayon naman kay PCPT Rolando E Eclarin, kanilang ii-implement ang Pulis sa Barangay upang mapaigting ang pag-iwas sa krimen kung saan may pulis na matatalaga sa labing pitong (17) barangay ng ating bayan. Sila rin ang tutulong sa pagmonitor ng mga establisimyento kung ang mga ito ay nakakasunod sa mga alituntunin ng community quarantine partikular sa ipanatutupad na minimum health standards.
 
Nagkaroon din ng kapasiyahan ang Local IATF na magmumungkahi sa Sangguniang Bayan na magkaroon ng kautusang bayan na magri-regulate sa paggamit ng mga videoke at iba pang maiingay na bagay na nakakagambala sa mga mag-aaral na dumadalo sa kanilang online at modular classes.
 
Ang mga ito, kasama ang iba pang napag-usapan ay iminungkahi, pinangalawahan at napagtibay sa harap ni Mayor Bing Diestro-Aquino ngayong Enero 11, 2021.
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 8 4 6 1
Users Today : 186
Users Yesterday : 122
Users This Month : 712
Users This Year : 22732
Total Users : 48461
Views Today : 310
Views Yesterday : 211

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: