Sa pangangasiwa ng Municipal Planning and Development Office sa pangunguna ni MPDC EnP Rommel Poblete kasama sina Project Development Officer I Precy C. Villanueva at Planning Assistant Edsel A. Oñate sa ginawang presentasyon na Local Public Transport Route Plan sa ating Lokal na Pamahalaan.
Nakatuwang bilang resource person sina EnP Ronnie Lindog, EnP Arlyn Manlulu at Architect, EnP Lemsterlie Burce kung saan iprinisenta ang mga planong ruta at nakalap na mga datos ng epektibong paraan ng transportasyon.
Karaniwang nagbibigay ang LPTRP ng mga detalyadong plano ng ruta na may mga partikular na paraan ng transportasyon at kinakailangang bilang ng mga yunit para sa paghahatid ng mga serbisyo sa transportasyong panlupa. Ito na ang pinakamababang kinakailangan na dapat matugunan para sa pagpapalabas ng mga kasunduan sa prangkisa sa transportasyon.
Mga tinalakay:
- Mode & Terminal Location
- Issues and Problems
- Institutional
- Infrastructure
- Social
- Environment
- Development Constraints
- Institutional
- Infrastructure
- Environment
- Economic
- Short-Term Plan
- Medium-Term Plan
- Long-Term Plan
- Proposed Transport Projects
- Public Transport Objective Improvement Objectives
Nakasama sa gawain na ito sina Administrative Officer I Ejeel V. Regado bilang kinatawan ng ating Punong Bayan Mayor Bing Diestro-Aquino, Sangguniang Bayan Members na sina Konsehal Seth Almonte, Konsehal Renmar Sollestre , Bb. Criselda L. Ravanilla bilang kinatawan ni Konsehal Jenra Asis-Poblete, Bb. Jona Marie M. Resplandor bilang kinatawan ni Konsehal Amelie Peñamante, Bb. Jazreel O. Banderada bilang kinatawan ni Konsehal Amanda Sharon Domingo, Bb. Emmylou P. Balgemino bilang kinatawan ni Konsehal Aileen R. Buan, Bb. Jecalyn C. Patropis bilang kinatawan ni Konsehal Ronald P. Isidro at Raffy Morfe bilang kinatawan ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro.
#RealeñoProduktibo
#RealeñoDisiplinado
#GodblessReal
#AksyonDiretso