Skip to main content

LSB Meeting

Matagumpay ang naging pagpupulong sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng Local School Board na pinangungunahan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino.
Patuloy ang kanilang pagsusumikap sa mga nakaplanong mga gawain at programa sa layong patuloy na maiangat at mapahusay ang matatamo ng ating mga mag-aaral. Sa kanilang pagpupulong ay tinalakay ang Approval of SEF Budget FY-2023 kaugnay din ang badyet sa Palarong Pambansa, update sa mga bagong miyembro ng LSB at locally funded personnel, pagsasaayos ng mga gusali at supplies, at iba pa.
Malugod ding tinanggap ng kaguruan sa pangunguna ni PSDS Ireen O. Aveno ang TV, electric shredding machine, computer desktop w/ printer, chair, at stand na makakatulong sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral.
Dito ay nakasama din sina Administrative Officer I Ejeel V. Regado, Municipal Budget Officer Cynthia P. Diamante, at Municipal Treasurer Larry L. Borreo.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso
« of 2 »
Official Website of Municipality of Real
error: