
March 20,2021 | TURNOVER CEREMONY OF CONVERGENCE ON LIVELIHOOD ASSISTANCE FOR AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES PROJECT(CLAAP) FROM DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM – QUEZON PROVINCIAL OFFICE AND ACCEPTANCE OF LIKKATA ORGANIZATION OF BARANGAY TAGUMPAY
Sa pangunguna ni Ms. Elenita A.Herreria, Chief Agrarian Reform Program Officer ng Department of Agrarian Reform (DAR)-Quezon at sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Bayan, sinaksihan ni Executive Assistant Amanda Sharon ‘Adie’ Diestro- Domingo kasama si Community Affairs Coordinator Amelie Astrera Peñamante ang seremonya ng turn over at acceptance ng CLAAP.
Malugod na tinanggap at pinasalamatan ni Punong Barangay Orlando Dela Cruz, Jr., sa pangalan ng Sangguniang Barangay ng Tagumpay lalot higit ng Pangulo ng Lingkod ng Kababaihan, Kalalakihan at Kabataan ng Brgy Tagumpay LIKKATA) Hadji B. Cordial at ng 30 kasapi nito na beneficiaries ng cash assistance at mga kagamitan sa pagtatanim katulad ng tig-iisang kapote, pares ng bota, pala ,piko at isang sakong pataba upang pag- ibayuhin pa ang Tiger Grass Production.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso