March 23, 2021 | COVID-19 VACCINATION PROGRAM

Ang Tanggapan ng Pambayang Manggagamot sa pangunguna ni Dr. Maricris M. Uy ay nakipag-ugnayan sa Claro M. Recto Memorial District Hospital (CMRMDH) sa katauhan ni Dr. Corazon A. Delos Reyes at Center for Health and Development (CHD-Region VI-A) sa katauhan ni Mr. Gil H. Delos Reyes upang mabigyan ng bakuna ang mga private and public health workers ng ating bayan.

Maayos na isinagawa ang pagbibigay ng bakuna at pagkatapos ay inobserbahan ang mga nabakunahan sa loob ng isang oras para sa maaaring maging epekto ng bakuna. May kabuuang tatlumpu’t-tatlong (33) health workers ng ating bayan ang nabakunahan, dalawampu’t pito (27) sa kanila ay sa hanay ng mga health workers sa Rural Health Unit at anim (6) ay mga private health workers.
Ito ay simula pa lamang ng isinasagawang malawakang COVID-19 Vaccination Program para sa matagumpay na laban kontra COVID-19 dito sa ating bayan kung kaya’t ang lahat ay hinihikayat na makiisa sa programang ito.
#GodBlessReal
#RESBAKUNA
#BIDABakunation
#BIDASolusyon+

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 2 8 7
Users Today : 31
Users Yesterday : 119
Users This Month : 933
Users This Year : 12286
Total Users : 12287
Views Today : 53
Views Yesterday : 236

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: