Ang Lokal na Pamahalaan ng Real sa pamamagitan ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dra. Maricris M. Uy-Municipal Health Officer ay nasagawa ng Vector Control Program sa Barangay Pandan. Dito ay ibinahagi nila ang mga paraan para makawias at masugpo ang mga lamok na nagdadala ng mga sakit. Namigay din sila ng mga kulambo at nagturo kung papano ang tamang paraan ng pag-tutubog ng kulambo sa gamot laban sa lamok.Ayon kay Dra. Uy, ang ipinamaging kulambo ay yong mga kulambo na binili ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Bing at Vice Mayor Joel. Sinabi rin niya na kapag naitayo na ang bagong Health Station ng barangay, mas maiaayos pa ang serbisyo na maibibigay ng Lokal na Pamahalaan para sa pangkalusugang kapakanan ng mamamayan.
Susog pa niya, hanggat meron pang mga gamot, mag-maintenance ang mga ito ng vitamin-c, ascorbic acid, multivitamins. Bibigyan sila hanggat merong supply na libre. Hinikayat ni Dra. Uy na palakasin ang kanilang resistensya, dahil kapag malakas ang resistensya, kayang labanan ang anumang sakit.
Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines