
Marso 10-11 2021 | QUEZON FARM ACADEMY 2021 (QUEZON YOUNG FARMERS FEDERATION – 4H CLUB)
Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating iginagalang na Gob. Danilo E. Suarez, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultur, katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultur sa katauhan nina Senior Agricultural Technologist Filomena R. Azogue at Agricultural Technologist Lylyn Martirez , ay matagumpay na nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay na inilaan para sa mga kababayan nating kabataan mula sa Barangay Llavac. Naging kaagapay din sina Kons. Janette Ruzol at PPSK Jenra D. Asis. Ang pagsasanay na ito ay naglalayong maimulat ang mga kabataan sa larangan ng Agrikultura na siyang magiging susi sa pagkakaroon ng patuloy na pag-unlad ng Agrikultura sa ating bayan.
Ang unang araw ay dinaluhan ng ilang kabataang kasapi sa 4H Club kung saan sila ay tinuruan ni G. Jessie Rivera, Aquaculturist I-OPA, ng tamang pag-aalaga ng tilapia at paggawa ng palaisdaan. Ang mga kabataang sumailalim sa pagsasanay ay kailangang magbahagi ng kanilang natutunan sa iba pang mga kabataan may interes sa pangingisda.
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, si G. ChrisJohn Paul Paran, Provincial Focal Person-Provincial 4H ay nagturo sa mga kabataan ng mga istratehiya sa pagpapatakbo at pagpapayabong ng negosyo.
Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan sa inyong napakalaking ambag sa paglinang sa kaunlaran ng labing-apat na kabataang Realeño at sa kanilang tinanggap na mga semilya o fingerlings.
#SerbisyongSuarez
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso