
Marso 10, 2021 | GeRL ASSESSMENT RESULT AND TRAINING WORKSHOP
Sa pangunguna ng Municipal Gender and Development Focal Point System (MGFPS), sa pangangasiwa ni MGFPS Focal Person/Municipal Administrator Filomena M. Portales, nagkaroon ng presentation ng GeRL Assessment Result para sa Barangay Level Cluster 3 na binubuo ng mga Barangay Ungos, Cawayan at Malapad. Ito ay upang malaman ng lokal na pamahalaan kung anu-ano ang kilangan at mga dapat ayusin may kinalaman sa pagiging gender-responsive sa bawat barangay.
Nagsagawa rin ng training workshop para sa paggawa ng barangay ordinance kaugnay ng mga batas may kinalaman sa GAD na ipinatutupad ng pamahalaang nasyonal gaya ng Anti-Bastos Law at Violence Against Women and their Children.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso