Skip to main content

Marso 18, 2021 | GeRL ASSESSMENT RESULT AND TRAINING WORKSHOP OF BARANGAYS IN CLUSTER 4

Sa pangunguna ng Municipal Gender and Development Focal Point System (MGFPS) na pinangangasiwaan ni Municipal Administrator Filomena M. Portales, MGFPS Focal Person, nagsagawa ng presentation ng GeRL (Gender Responsive LGU) Assessment Result na dinaluhan ng labing anim na na kinatawan, siyam (9) na kalalakihan at pitong (7) kababaihan mula sa Cluster 4 na kinabibilangan ng Barangay Poblacion 61, Tanauan at Pandan.

Ang pagsasanay na ito ay isang pamamaraan ng Lokal na Pamahalaan upang tukuyin ang pagiging gender-responsive ng mga barangay at nang mapalakas ang kanilang mga kahinaan. Ang grupo ay sumailalim sa isang workshop sa paggagawa ng barangay ordinance kaugnay ng mga batas na may kinalaman sa gender and development na ipinatutupad ng pamahalaang nasyonal gaya ng Anti-Bastos Law, Violence Against Women and their Children at iba pa.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Latest Articles

World Tourism Month 2023

LGU Family Day

Official Website of Municipality of Real
error: