Skip to main content

Marso 19, 2021 | PAGTATAKDA NG MGA PANUNTUNAN SA PAGPAPATUPAD NG MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE SA BAYAN NG REAL

Sa patawag at pangunguna ng DILG ay nagkaroon ng pagpupulong tungkol sa ibinabang Atas Tagapagpaganap 7 ng ating Punong Bayan Diana Abigail D. Aquino na nagtatakda ng mga panuntunan sa ilalim ng Modified General Community Quarantine.

Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng mga barangay mula sa Cluster 1 (Malapad, Lubayat, Pandan), Cluster 2 (Tanauan, Tignoan, Tagumpay, Capalong, Kiloloron) at Cluster 3 (Poblacion 1, Poblacion 61, Ungos, Cawayan). Binigyang diin nila Incident Commander Ricky A. Poblete, Executive Assistant Amanda Sharon D. Domingo, Tourism Operations Officer I Benirose Marie V. Talabucon, BPLO Enrico Rutaquio, PSMS Meldie C Gatdula Real-MPS at Police Master Sergeant Louie Santiago Real-MPS ang nilalaman nito.
Tinalakay din dito ang mga dapat gawin upang malimitahan ang pagdagsa ng mga turistang pumapasok sa ating bayan pati na rin ang mga establisimyento na nag-ooperate ng walang kaukulang business permit at kung anu-ano ang mga karampatang parusa sa mga lumalabag sa pambayang ordinansa may kinalaman sa health and safety protocols.
Inaatasan ng Department of Interior and Local Government Office sa pamamagitan ng ating MLGOO, Maureen Gumboc , na magkaroon ng mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa mga alituntunin ang mga Barangay officials sa kanilang mga nasasakupan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

Official Website of Municipality of Real
error: