
Marso 2, 2021 | GeRL Assessment Result and Training Workshop – Barangay Level
Sa pangunguna ng Municipal Gender and Development Focal Point System, nagsagawa ng presentation ng GeRL (Gender Responsive LGU) Assessment Result ang mga barangay na nasa Cluster 2 na kinabibilangan ng Tignoan, Llavac at Maragondon.
Ito ay isang instrumento ng Lokal na Pamahalaan upang alamin ang pagiging gender-responsive nila at mapalakas ang mga kahinaan sa pamamagitan ng isang training workshop at mabigyang giya sila sa pagpapatupad ng mga batas ng pamahalaang nasyonal may kinalaman sa kapakanan ng kakabaihan at kabataan sa pamamagitan ng pagbuo ng kani-kanilang barangay ordinance kaugnay ng mga batas gaya ng sa Anti-Bastos, Violence Against Woment and their Children at iba pa.