Marso 3, 2021 | Serbisyo Publiko sa Sitio Kamagong

Bilang pagkalinga ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Bing Diestro-Aquino, Vice Mayor Joel Amando A. Diestro at ng Sangguniang Bayan, sa tuwina ay ninanais nilang makapaghatid ng mahusay na serbisyo sa mga mamamayan. Isa sa kanilang mga pamamaraan ay ang direktang paghahatid ng serbisyo sa bawat barangay.Sina Kgg. Raffy M. Morfe, SB Chairperson ng Committee on Social Services, kasama si Kgg. Renmar A. Sollestre, Vice Chairperson ng kaparehong komite, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office na nakatalagang focal person kada sektor, at G. Virgilio M. Calzado, OSCA Chairman, ay nagtungo sa Sitio Kamagong, Bagong Silang upang makipagpulong at maghatid serbisyo sa mga senior citizen, PWDs, IPs, at Solo Parents. Nagsagawa rin ng oryentasyon para sa mga kababaihan hinggil sa KALIPI o Kalipunan ng Liping Pilipina.
Nabigyan din ang kapulungan ng food packs na ipinagkaloob ng Pitmaster Foundation.

Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 1 2 0 1 6
Users Today : 15
Users Yesterday : 54
Users This Month : 662
Users This Year : 12015
Total Users : 12016
Views Today : 46
Views Yesterday : 116

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: