
Marso 5, 2021 | Monthly Meeting of Municipal Federation of Senior Citizens.
Ginanap ang regular na pagpupulong ng pambayang pederasyon ng mga nakatatanda sa pangunguna ni OSCA Chairperson Virgilio Calzado at sa pamamahala ng Municipal Social Welfare and Development. Ang mga nagsidalo ay nabigyan ng tulong mula pa rin sa kaloob na food packs ng Pitmaster Foundation na ipinaabot sa pamamagitan ni EA Amanda Sharon D. Domingo bilang kinatawan ng ating iginagalang na Punong Bayan Bing Diestro-Aquino.