
Mayo 4, 2021 I OPERATION ANTI-RABIES SA BARANGAY MALAPAD
Bilang bahagi ng regular na programa ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur, muling nagsagawa ng libreng pagtuturok ng anti-rabies sa mga aso at pusa ang mga kinatawan nito na sina G. Winifredo G. Camaligan, Jr. at Lemeuel O. Azogue, kapuwa Agricultural Technologist, katuwang sina Matt D. Padalapat at Arturo P. Langcuyan, na mga Animal Control Staff.
Sa tuwina ay ipinapaalaala ng Pamahalaang Bayan na maging responsableng pet owner, ang mga alagang aso at pusa ay paturukan upang ang ating kapuwa ay maprotektahan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso