Skip to main content

Mayo 7, 2021 | AGROFORESTRY PROJECT AND DISTRIBUTION OF FRUIT- BEARING TREES FOR UPLAND FARMERS

Sa pamamahala ng Municipal Environment and Natural Resource Office at pangunguna ni MENRO Bryan E. Potestades, sa pakikipagtuwang sa Municipal Mayor’s Office (MMO) at Municipal Agriculture Office (MAgO) sa katauhan ni Gng. Filomena R. Azogue-Senior Agriculturist, kasama sina Vice Mayor Ronald P. Isidro, PPSK Jenra D. Asis-Committee Chairperson on Environmental Protection and Climate Change, Kons. Renmar A. Sollestre-Committee Member, Kons. Lea A. Calleja at Kons. Julie Ann O. Macasaet, ay nagkaroon ng pamamahagi ng seedlings ng fruit-bearing trees para sa Agroforestry Project ng Municipal Environment and Natural Resource Office (MENRO).
Ang proyektong ito ay may animnapung (60) benepisyaryo na binubuo ng ng tigsasampu (10) mula sa mga Barangay ng Tanauan, Maragondon, Llavac, Malapad, Lubayat at Pandan. Hahati-hatiin sa kanila ang 2,040 na seedlings na may langka, rambutan, kasoy, guyabano at calamansi. Nagbigay tagubilin naman ang mga nagsalita na ang pagpapalang ito ay kanilang alagaan, mahalin, ingatan at pagyamanin para magkaroon ng masaganang ani sa hinaharap.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso

« of 2 »

Latest Articles

Official Website of Municipality of Real
error: