Nagkaroon ng isang pagpupulong ang Municipal Development Council sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Bing Diestro-Aquino at MPDC/EnP Rommel A. Poblete na kung saan tinalakay ang mga sumusunod na agenda:
1. Presentation and /or approval of Investment Program for Supplemental Budgeting for CY 2022 – Nakapaloob sa Supplemental Investment Program ang mga insentibong matatanggap ng mga kawani ng pamahalaang bayan,
Service Recognition Incentive alinsunod sa Administrative Order No.1 ng Pangulo
Rice Grant alinsunod sa A.O No. 2
Gratuity pay for job order worker alinsunod sa A.O. No. 3
Performance Based Bonus
2. Creation/activation of Energy Sector Committee per DILG, DOE Joint Memorandum Circular 2020-01 – Dito ay ini-activate ng MDC ang Energy Sector Committee na syang mangangasiwa ng mga pagawaing may kinalaman sa enerhiya sa ating bayan. Nagtalaga rin ng mga miyembro na bubuo sa komitibang ito.
Ang lahat ng mga paksang napag-usapan ay malugod na inaprobahan at pinagtibay ng nasabing council.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ni Kons.Aileen Resplandor-Buan, ng mga Punong Barangay/Barangay Officials, mga kinatawan ng ibat-ibang samahan sa ating bayan at ni Gng.Cecilia S. Huerto na kinatawan ni Cong. Mark Enverga, at naging panauhin naman sina Kons. Amanda Sharon D. Domingo, Municipal Budget Officer Cynthia P. Diamante, at Municipal Treasurer Larry L. Borreo.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso