Meeting / Forum on Renewable Energy Projects

Sa pagtutuwang ng Lokal na Pamahalaan sa pamamahala ni Mayor Bing Diestro Aquino at ng Department of Energy – Renewable Energy Management Bureau (DOE-REMB), ay nagsagawa ng pagpupulong kasama ang Sangguniang Bayan sa pamamahala ni Vice Mayor Doyle Joel M. Diestro katuwang ang Committee on Energy sa pamumuno ni Kons. Renmar A. Sollestre kasama ang Renewable Energy Project Technical Working Group.
Dito ay tinalakay nina Engr. Arnulfo M. Zabala-Supervising Science Research Specialist-DOE-REMB at Mr. Jeffrey A. Cotoner- Science Research Specialist II-DOE-REMB ang mga prosesong kailangang daanan ng mga developers para makakuha ng Renewable Energy Service Contract Application upang maisagawa ang kanilang mga proyekto. Kanila ring sinagot ang mga katanungan, at binigyang-linaw ang mga issues and concerns mula sa Lokal na Pamahalaan at mga developers gaya ng posibleng environmental impact, permits, benepisyo, at higit sa lahat ay ang papel ng Pamahalaang Bayan dito.
Ito ay dinaluhan nina Kons. Amanda Sharon D. Domingo-Vice Chairperson, Committee on Energy, at mga miyembro ng nasabing lupon na sina Kons. Amelie A. Peñamante, Kons. Jenra D. Asis-Poblete, Kons. Aileen Resplandor-Buan. Dumalo rin sina Kons. Seth R. Almonte, Kons. Julie Ann O. Macasaet, PPLB Madelyn M. Diestro, mga miyembro ng Renewable Energy Projects TWG, ilang department heads, kinatawan mula sa VENA Energy, GIGA Ace 5, REAL Wind Energy, CleanTech Energy at REPOWER Energy Development Corporation (REDC).
#RealeñoDisiplinado #RealeñoProduktibo
#GodBlessReal #AksyonDiretso

« of 2 »
Our Logos

Follow Us

Contact

Address

Municipal Government Center, La Rosa Street, Poblacion 1, 4335 Real, Philippines

Visitor's Counter

0 4 9 3 1 7
Users Today : 91
Users Yesterday : 165
Users This Month : 1568
Users This Year : 23588
Total Users : 49317
Views Today : 204
Views Yesterday : 253

© 2021. Municipality of Real, Province of Quezon.
All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Real
error: