
Meeting with Massage Therapists and Walis Tambo Experts
Nakipagpulong sina MSWDO Leo James M. Portales at BAKTOM President Jennifer O. Dela Cruz sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Bing Diestro-Aquino kasama ang mga grupo ng mga massage therapist at mga eksperto sa paggawa ng walis tambo na napiling ipadala sa Balesin. Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng Concentrix Philippines upang magsilbing bahagi ng kanilang iba’t ibang aktibidad sa pagdaraos nila ng Presidents Club Philippines na inihanda bilang pagpapahalaga sa kanilang mga tauhan.
#RealeñoDisiplinado
#RealeñoProduktibo
#GodBlessReal
#AksyonDiretso